Aktibong kaso ng COVID-19 sa QC, nasa mahigit 100 na lang

39

Umaabot na lamang sa mahigit 100 ang bilang ng dinapuan ng nakamamatay na COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 119 na lamang ang kumpirmadong active cases o yung patuloy na nagpapagaling.

Ang nasabing kaso ay mula sa 261,729 nang kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.


Umabot na rin sa 259,893 ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.

Wala namang naitalang may nasawi kung kayat nananatili sa 1,717 ang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Paliwanag ng QC local government, posibleng magbago pa ang bilang ng mga kaso dahil sa nagpapatuloy ang isinasagawang community-based testing sa lungsod.



Facebook Comments