Aktor at komedyante na si Joey Marquez, tinawanan lang ang kumakalat na fake news na pumanaw na siya

“I’m still kicking”

Ito ang naging pabirong sagot ng aktor at komedyante na si Joey Marquez sa isang short video clip na ipinost ng kanyang asawa na si Malu Quintana matapos kumalat ang fake news na pumanaw na siya dahil sa atake sa puso.

Say pa ni Joey, “Correction, I’m not 65 years old, dahil ang totoo ay sisenta anyos pa lang ako”.


Tinawanan na lang din ng komedyante ang nasabing fake news na marami na rin ang nabiktima na kapwa niyang artista tulad ni Jose Manalo.

Matatandaan, kumalat sa social media ang pagpanaw ni Joey na may nakasulat na “Paalam, Joselito Perez Marquez – 1957-2021”.

May mga netizen namang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa mga naulila ni Joey sa pag-aakalang totoo ang balita.

Facebook Comments