Aktor at komedyante na si Michael V., bumubuti na ang kalagayan matapos magpositibo ng COVID-19

Bumubuti na ang kalagayan ng aktor at komedyante na si Michael V. o kilala rin bilang “Bitoy” matapos tamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Bitoy, mas okay na ang kaniyang pakiramdam at bumabalik na rin nang paunti-unti ang kaniyang pang-amoy.

Aniya, hindi pa siya 100% na magaling pero mas maganda at masarap na kaniyang nararamdaman kumpara dati.


Makukumpleto na rin ni Bitoy ang kanyang 14-day quarantine bago bumalik sa normal ang kaniyang buhay.

Samantala, nais din ng komedyante na magdonate ng kaniyang blood plasma para makatulong sa iba pang nahawaan ng sakit.

Para sa kaniya, hindi biro ang pinagdaraanan ng isang taong tinamaan ng COVID-19, kaya dapat umano ay maging responsableng mamamayan.

Facebook Comments