Aktor na si Richard Gutierrez, kinasuhan ng BIR ng tax evasion

Manila, Philippines – Kinasuhan ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue Sa Department of Justice ang aktor na si Richard Gutierrez dahil sa umano’y mga hindi nabayarang buwis ng kumpanya nito para sa taong 2012.

Ayon kay BIR Assistant Commisisoner James Roldan, dalawang counts ng Tax Evasion case ang isinampa laban kay Gutierrez na tumatayong presidente ng kumpanyang R. Gutz Production Corp.

Sa record ng BIR, aabot sa P38.57 million ang bayarin sa buwis ng aktor, kasama na ang multa at iba pang charges. Bukod kay Gutierrez, kasama rin sa reklamo ang pag-aari nitong production company na may trade mark na “R Gutz.”


Sinabi ng BIR na ipinadala na nila ang resulta ng kanilang findings noong 2013 at dalawang beses na ngayon taon pero hindi ito tinutugon ni Gutierez.
Nation

Facebook Comments