Aktor na si Rocco Nacino – gusto nang magka-anak

200

Manila, Philippines – Target ng aktor na si Rocco Nacino na lumagay na daw sa tahimik at magkaroon ng pamilya ngayong tumungtong na ito sa edad na 30.

 

Nitong buwan ng Marso ay sinelebrate ng aktor ang ika-30 kaarawan nito kung saan kabilang sa kayang bucket list ay ang pagpapagawa ng kanyang sariling bahay.

 

Gusto na rin aniya nito na maging isa nang daddy sa edad na 30.

 

Pero sa kabila nito, aminado si Rocco na kailangan pa niyang hintayin at ipagdasal ang ina ng kanyang magiging mga anak dahil untill now ay hindi pa rin niya ito nahahanap.

 

Nabatid na malapit sa mga bata si Rocco dahil sa kagustuhan nitong maging pediatrician ngunit hindi naituloy dahil sa pagpasok sa showbiz industry.



Facebook Comments