Aktres na si Agot Isidro, binatikos si Sen. Dela Rosa dahil sa naging payo nito kay VP Leni

864

Binatikos ng aktres na si Agot Isidro si Sen. Ronald Dela Rosa matapos payuhan si Vice President Leni Robredo sa mga dapat gawin nito bilang Drug Czar.

Sa Tweet, nagpaalala ang aktres kay Dela Rosa na mas mataas pa rin ang posisyon ni Robredo sa kanya.


Iginiit pa ni Agot na nararapat lang anya na igalang ang Bise Presidente at magkaroon ang Senador ng respeto sa pananalita.

Matatandaang sinabi ni Dela Rosa kay Robredo na huwag nang maghanap ng iba pa at gamitin kung ano lamang resources ang mayroon para sa pagiging Drug Czar.

Una na kasing sinabi ni Robredo noong weekend na hindi sapat ang P15 Milyon pondo ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Facebook Comments

From Advertisers