Aktres na si Kathryn Bernardo, amindadong na-shock at kinilig sa pagkakaroon ng collaboration sa South Korean Actor na si Lee Min-ho

Aminado ang aktres na si Kathryn Bernardo na nagulat siya sa pagkakaroon niya ng tiyansang makasama sa isang proyekto ang South Korean Actor na si Lee Min-ho.

Sa isang Online Shopping Platform sa pamamagitan ng virtual collaboration, sinabi ng 24-years old na aktres na hindi niya in-expect na siya ang kukunin sa proyekto.

Biro pa ni Kath, malaki ang tiyansang bumisita sa Pilipinas si Lee Min-Ho lalo at marami itong supporters sa bansa maging siya.


Si Lee Min-ho ang bumida sa ilang mga sikat na koreanovela na Boys Over Flowers, Legend of the Blue Sea, The King: Eternal Monarch at iba pa.

Facebook Comments