Aktres na si Max Collins, nanganak na sa kanilang bahay!

913

Kinumpirma ng kanilang mother network na nanganak na ang aktres na si Max Collins sa panganay nila ng aktor na si Pancho Magno.

Noong Lunes, July 6, 2020, nanganak si Max pero hindi sa ospital kundi sa kanilang tahanan.


Nabatid na tumulong din sa panganganak ng aktres ang asawang si Pancho na isang registered nurse.

Bukod rito, wala pang ibinibigay na detalye ang mag-asawa sa panganganak ni Max, kabilang na ang larawan at pangalan ng kanilang baby boy.

Una nang inihayag ni Max na nagdesisyon siyang piliin ang water birthing dahil sa takot sa ospital bunsod ng banta ng COVID-19.

Ayon sa 27-year-old Kapuso mom, pakiramdam niya ay mas ligtas manganak sa bahay na may gabay ng kanyang doula at midwife kaysa sa mga ospital na malaki ang tiyansang dapuan ng virus.

Facebook Comments