Aktres na si Rich Asuncion, walang pinagsisisihan sa pag-alis sa Showbiz Industry

Inamin ng aktres na si Rich Asuncion na wala siyang nararamdamang pagsisisi nang iwan niya ang showbiz at magbagong-buhay sa pamamagitan ng pag-migrate sa Australia.

Ayon kay Rich, kahit nahihirapan sa una niyang trabaho bilang waitress, masaya naman siya nang makuha niya ang unang suweldo.

Hindi pa rin aniya ganoon kadalas ang kaniyang pamimili dahil limitado ang kaniyang source of income lalo ngayong may pandemya.


Si Rich ay nakapangasawa ng isang Rugby Player na si Benjamin Mudie kung saan nakapag-enrol rin siya para ipagpatuloy ang pag-aaral at mayroon nang offer na full-time job sa isang daycare.

Sa ngayon, kontento na si Rich sa simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya na malayo sa kanyang celebrity status sa Pilipinas.

Facebook Comments