ALAGANG BAKA NAIBALIK SA MAY-ARI MATAPOS IBENTA NG MAGNANAKAW SA BURGOS, ILOCOS NORTE

13
Naibalik na sa may-ari ang alaga nitong baka matapos nakawin at ibenta ng suspek sa Brgy. Buduan, Burgos, sa Ilocos Norte.
Nakilala ang may-ari na si Roger Yagyagan Agngaray, 67 anyos at isang magsasaka samantalang ang suspek naman ay si Melvin Rico Buscas, 25 anyos.
Ayon sa lolo, nagreport ito sa Agriculture Office hinggil sa pagkawala ng kanyang buntis na alagang baka mula pa noong Mayo 7 nitong taon.

Nagtanong-tanong siya sa mga kakilala hanggang sa may nakapagbigay sa kanya ng impormasyon na nasa pangangalaga ito ng nagngangalang Carmelo Mateo na isang negosyante.
Lumalabas naman sa imbestigasyon na ang suspek na si Buscas ay binenta ang baka kay Mateo sa halagang 25k.
Maayos nang naibalik sa lolo ang kanyang alaga at sasampahan naman ng karampatang kaso si Buscas. | ifmnews
Facebook Comments