Alamin ang mga pelikulang Pilipino na humakot ng parangal sa katatapos lamang na 43rd Gawad Urian!

40

Humakot ng parangal sa katatapos lamang na 43rd edition ng Gawad Urian ang pelikulang “Babae at Baril” na pinagbibidahan ng aktres na si Janine Gutierrez.

Kabilang sa nakuhang awards ng crime thriller film ay ang Best Director, Best Actress na nasungkit ni Janine Gutierrez, Best Cinematography, Best Editing, at Best Production Design.


Nakuha naman ni Elijah Canlas ng pelikulang “Kalel, 15” ang Best Actor habang itinanghal bilang Best Supporting Actress at actor sina Yayo Aguila ng metamorphosis at Kristoffer King ng pelikulang “Verdict”.

Napunta naman ang bilang Best Screenplay ni Jun Lana ng “Kalel, 15” habang Best Music ang pelikulang “Huwebes, Huwebes” at Best Sound ang movie na “Mañanita”.

Nabatid na dahil sa pandemic, isinagawa kagabi ang 2020 Gawad Urian Awards night via online sa pangunguna ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP).

Facebook Comments