ALAMINOS PNP, TINIYAK ANG SEGURIDAD SA PAGBUBUKAS NG ESKWELA NGAYONG ARAW

Tiniyak ng Alaminos PNP ang seguridad ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng eskwela ngayong araw.

Ayon kay Wilson Domantay, Intel CPO ng Alaminos PNP, una na umano nilang tiniyak ang kaayusan sa paligid ng mga paaralan.

Magpapatuloy umano ang kanilang pagbabantay ngayong araw upang masigurong ligtas na makapapasok sa eskwela ang mga mag-aaral.

Tutulong rin umano sila mga traffic enforcers upang maging maayos rin ang daloy ng trapiko.

Nagpaalala naman ito sa mga magulang at motorista na sumunod sa batas trapiko upang maiwasan ang aksidente at disgrasya sa mga kakalsadahan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments