Alaska Aces, nakuha ang ika-7 panalo sa 2020 PBA Philippine Cup

35

Nasungkit ng Alaska Aces ang ika-pitong panalo sa 2020 PBA Philippine Cup.

Ito’y matapos nilang talunin ang NLEX Road Warriors sa overtime game sa score na 122-119.


Naging bida sa panalo ng Aces si Maverick Ahanmisi na may 25-points at 12-rebounds.

Tinapos ng Alaska ang elimination hawak ang 7-4 win/loss record habang ang NLEX naman ay may apat na panalo at anim na talo.

Facebook Comments