Alaska Aces, nasungkit ang ika-apat na panalo sa PBA Philippine Cup

43

Nasungkit ng Alaska Aces ang ika-apat na panalo kontra Terrafirma Dyip sa PBA Philippine Cup Clark Bubble.

Tinalo ng Aces ang Dyip sa score na 99-96 kung saan nanguna sa panalo ng Alaska si Vic Manuel na may 18-points.


Sa nasabing laban, nagawa ng Alaska na habulin ang 14-points na kalamangan ng Dyip sa pagpasok ng third quarter hanggang sa makuha nila ang panalo.

Sunod na makakalaban ng Aces ang Phoenix Super LPG Fuel Masters, sa October 29, alas-4:00 ng hapon sa Angeles University Foundation Sports Arena.

Facebook Comments