Albayalde, pormal nang nagretiro!

Pormal nang nagretiro sa serbisyo si dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Kahapon, tumuntong na si Albayalde sa kanyang ika-56 na kaarawan na retirement age sa pambansang pulisya.

Ayon kay PNP spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac – nagpasya na si Albayalde na huwag nang magsagawa ng retirement honors sa Kampo Krame.


Bago ito, maagang nagbitiw si Albayalde sa pwesto matapos madawit sa kontrobersiya ng ninja cops sa Pampanga noong 2013.

Sa ngayon, wala pang itinatalaga si Pangulong Rodrigo Duterte na bagong hepe ng PNP.

Facebook Comments