Alden Richards, bumuwelta sa mga bashers dahil sa pagganap bilang martial law survivor sa docu-serye ng Kapuso Network

Showbiz – Matapos bigyan ng papuri sina Alden Richards at Rocco Nacino sa kanilang pagganap sa buhay ng mga taong naging biktima ng martial law, marami naman ang bumabatikos at dismayado sa tinaguriang pambasang Bae.

Ito ay dahil sa paggamit ng aktor sa popularidad nito upang siraan ang panunungkulan ni dating Pangulong Marcos kung saan ilang netizen ang nagsabing “waste of time” ang pagtanggap ni Alden ng martial law special.

Pero mismong si Alden ay hindi nagpatinag sa kabila ng pambabatikos sa kanyang pagganap sa buhay ng martial-law survivor.


Sa kanyang instagram post, nagbahagi si Alden ng kanyang larawan na may maiksi ngunit makahulugang caption na nagsasabing “brush it off.”

Hindi man nagbanggit ng iba pang detalye si Alden pero malinaw na ito ang mensahe niya matapos kumalat sa social media ang iba’t-ibang reaksiyon sa kanyang pagganap sa martial law special ng Kapuso Network.

Facebook Comments