Alden Richards – nagpasalamat sa mga sumuporta ng kanyang unang major concert

208

Manila, Philippines – Napuno ng mga manonood ang unang major concert ni Alden Richards sa Kia Theater sa Quezon City nitong Sabado ng gabi.

Sa simula pa lang ng concert ay todo na ang energy ni Alden at maging ng fans.


Nagpamalas ng husay sa pagkanta at pagsayaw si Alden, nakasama pa niya sa song numbers sina Janno Gibbs at Raymund Marasigan.

Sa dance number naman, nakapagsabayan siya sa paghataw kina Mark Herras, Kristoffer Martin at Rodjun Cruz

Siyempre, inabangan din ang performance nila ng ka-love team na si Maine Mendoza.

Labis ang pasasalamat ni Alden sa suporta ng mga tao at kaniyang mga bisita na sinamahan siyang magtanghal.




Hindi rin kinalimutan ni Alden na pasalamatan ang kaniyang namayapang ina na pumanaw dahil sa pneumonia na halos sampung taon na ang nakalilipas.
DZXL558

Facebook Comments