
Kinalampag ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima ang Philippine Competition Commission (PCC) at Energy Regulatory Commission (ERC).
Ito ay para agarang imbestigahan ang posibleng overpricing at profiteering ng mga kompanya ng langis sa bansa sa harap ng pandaigdigang krisis ngayon dulot ng gulo sa Gitnang Silangan.
Diin ni De Lima, hindi pwedeng tatanggapin lang natin ang ganitong nakakalula at nakapagdududang pagtaas sa presyo ng langis sa bansa.
Iginiit ito ni De Lima bilang pagsuporta sa pahayag ni Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) Secretary Arsenio Balisacan na marapat imbestigahan ang mala-cartel na galawan sa lokal na industriya ng langis.
Tinukoy ni De Lima ang sinabi ni Balisacan sa nagdaang pagdinig ng Legislative Energy Action Development (LEAD) Council na may kapangyarihan ang PCC at ERC para alamin kung may maling ginagawa ang mga oil companies upang makontrol ang presyo ng langis.










