
Mariing itinanggi ni House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar ang alegasyong vote buying at anupamang election offense.
Pahayag ito ni Villar kasunod ng report na naglabas umano ang Commission on Elections (Comelec) Committee on Kontra-Bigay ng show-cause order laban sa kanya na hindi pa niya natatanggap sa ngayon.
Paglilinaw ni Villar, ang event sa Imus, Cavite na kanya umanong dinaluhan kung saan nagkaroon umano ng pamamahagi ng pera sa pamamagitan ng raffle ay nangyari noon pang February 9, 2025 na hindi sakop ng campaign period.
Bunsod nito ay kumpyansa si Villar na kapag narinig na ng Comelec ang kanyang panig ay tiyak malilinis na ang kanyang pangalan laban sa anumang maling alegasyon.
Facebook Comments