Alert Level 2 ipinatupad ng DFA sa Gaza; habang Alert Level 1 itinaas din sa Israel at West Bank

28

 

———————————-

Nakahanda na ang Pilipinas na paglikas ng mga Pilipinong nais umuwi ng bansa dahil sa nagpapatuloy na sagupaan ng Israeli forces at Hamas militants sa Gaza.


Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), naglabas na sila ng Alert Level 1 sa Israel at West Bank, habang nakataas ang Alert Level 2 sa Gaza.

Nakaalerto naman ang DFA na tumugon kung may mga Pinoy na magpapahayag na ng kagustuhang umuwi ng bansa.

Nabatid na sa ilalim ng Alert Level 1, hindi pa kailangang ilikas ang mga Pinoy sa lugar pero pinapayuhan silang mag-ingat dahil sa nangyayaring kaguluhan.

Habang pinapayuhan na ang mga Pilipinong nasa Level 2 na limitahan ang pagkilos, iwasan ang mga matataong lugar lalo na ang mga may protesta at maghanda sakaling kailanganing lumikas.



Sa ngayon, wala pang naiuulat na mga Pinoy na nasaktan o nasawi sa nangyayaring kaguluhan na magdadalawang-linggo nang nagaganap.


Facebook Comments