Alert level 2, itinaas ng Department of Foreign Affairs sa Sudan

69

Itinaas na ang alert level 2 sa sudan dahil sa nagpapatuloy na Nationwide Civil Disobedience ng iba’t ibang grupo sa Khartoum.

Itinataas ang alert level 2 kapag may seryosong banta sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pilipino dahil sa krisis sa isang banta.


Kaugnay nito, inabisuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga Pilipino na huwag munang bumiyahe papuntang Sudan.

Ayon naman sa Labor Department, papayagan lang nilang bumalik ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa sudan kung hindi pa tapos ang kanilang kontrata.

Maaari namang humingi ng tulong ang mga Pilipino sa Philippine Embassy sa Cairo, Egypt tumawag lang sa (+202) 252-13062 o sa Philippine Honorary Consul sa Khartoum, (+249) 183-468717 o (+249) 183-468716.

Facebook Comments

From Advertisers