Alert Level 4 sa NCR, posibleng palawigin ng dalawang linggo – NTF

Posibleng mapalawig pa ng dalawang linggo ang Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR) kung magreresulta ito ng pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Spokesperson Restituto Padilla, ito ay upang makita ang totoong epekto nito sa mga datos.

Aniya, kung magpakita ng magandang resulta sa Metro Manila ay posibleng ipatupad din ang alert level system sa iba pang rehiyon.


Nabatid na tatagal hanggang September 30 ang pilot implementation ng granular lockdown with alert level system sa NCR.

Facebook Comments