Alerto ng Philippine National Police, nananatiling nakataas sa paggunita ng Araw ng Kalayaan

Manila, Philippines – Mananatili sa full alert status ang National Capital Region Police Office o NCRPO kasunod ng pagdiriwang ng Independence Day ngayong raw.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Kim Molitas, ito ay dahil rin sa pagdalo nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice Pres. Leni Robredo sa selebrasyon sa Rizal Park.

Aniya, masusunod ang mga security protocol habang ipinagdiriwang ang Independence Day sa Luneta Park at iba pang events sa Metro Manila.


Mas pinaigting rin aniya ng pulisya ang seguridad sa Metro Manila kasunod ng pangambang umatake ang mga terorista na naghahasik ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments