Alessandra de Rossi, takot pa ring magbalik-trabaho dahil sa COVID-19; sasakyan, ibinenta para maka-survive!

91

Inamin si Alessandra de Rossi na takot pa siyang bumalik sa trabaho dahil sa banta ng COVID-19.

Say ng aktres, istrikto niyang sinusunod ang utos ng gobyerno na “stay at home” kung saan ilang proyekto na rin ang kanyang tinanggihan para lang hindi makalabas ng bahay.

Kaya para maka-survive sa pang-araw-araw na gastusin, ibinenta muna ng aktres ang isa niyang sasakyan.

Aminado rin si Alex na miss na miss na niyang magtrabaho pero mas priority niya ang kanyang kalusugan.

Samantala, excited na rin ang award-winning actress na maging certified tita sa magiging anak ng ate niyang si Assunta de Rossi.

Facebook Comments