Alex Gonzaga, engaged na?

244

Engaged na raw ang magkasintahang sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Ito ang inanunsiyo ng actress-vlogger sa kanilang naging dinner kasama ang pamilya nila ni Mikee sa kanyang 31st birthday celebration.


Sa videos na ibinahagi sa Instagram stories ng best friends ni Alex, magkatabi sina Alex at Mikee nang kantahan siya ng “happy birthday” sabay abot sa kanya ng birthday cake.

Dito na masayang inanunsyo ni Alex na engaged na sila kung saan kinumpirma din ito ni Mikee.

Nabatid din na pitong buwan daw na nanligaw si Mikee kay Alex bago siya sinagot nito kung saan tatlong taon na silang magkasintahan ngayon.

Facebook Comments