Ali Mall Activity Center, bubuksan bukas para sa voters’ registration

Bubuksan bukas ng Quezon City Commission on Election (Comelec) ang activity area ng Ali Mall sa Araneta Center para sa satellite voters’ registration.

Ayon sa QC-Comelec, ang registration bukas sa nasabing lugar ay limitado lamang para sa mga residente ng District 3.

Paliwanag ng QC-Comelec na may 37 barangay ang nakapaloob sa District 3 at may 324,669 na populasyon.


Sunod namang isasagawa ang voters’ registration sa Eastwood Mall sa September 28 at 30.

Samantala, tuluy-tuloy rin ang satellite registration ng iba pang distrito sa mga itinalagang lugar ng QC-Comelec.

Facebook Comments