Alias Bikoy lulutang sa Lunes upang magpiyansa

39

Sa Lunes ay boluntaryong susuko si Peter Advincula alias Bikoy upang harapin ang kasong inciting to commit sedition na

Ayon sa legal counsel niya na si Attorney Larry Gadon, inabisuhan siya ni Advincula na magtutungo ito sa QC MTC Branch 138 upang maglagak ng piyansa.


Ito ay kasunod ng paglalabas ng korte ng warrant of arrest laban kay Advincula at mga kapwa niya co-accused na sina dating Senador Antonio Trillanes IV at siyam na iba pa.

Tumanggi si Gadon na sabihin kung nasaan ngayon si Advincula.

Aniya, nasa safehouse si Advincula at katatapos lamang nitong dumalo sa pagdinig ng korte kung saan dismissed ang mga kaso na isinampa laban sa kaniya sa Baguio at La Trinidad.

Facebook Comments