Alien Labor Inspections, target tapusin ng DOLE sa December 15

46

Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tapusin ang Verification Inspection sa mga establisyimentong tumatanggap ng dayuhang manggagawa sa December 15.

Ayon kay DOLE Asec. Dominique Tutay, nagsasagawa sila ng Special Inspection sa sektor ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators at iba pang kumpanya na nag-apply para sa Alien Employment Permit (AEP).


May mga establishment pa ang kailangan nilang inspeksyunin lalo na sa National Capital Region.

Minamadali na rin ng kanilang Labor and Employment Officers ang pag-aaral sa Annual Suspension ng Labor Inspections sa bansa tuwing Christmas Season mula December 15 hanggang January 15.

Iginiit din ng DOLE na ipatutupad nila ang ‘No Gift Policy.’

Facebook Comments