Alisah Bonaobra at Shaniah Rollo, ibinahagi ang mga inspirasyon nila sa buhay

36

Si God at pamilya.

Sila ang mga naging inspirasyon nina X-Factor UK grand finalist Alisah Bonaobra at Ireland’s Got Talent semi-finalist Shaniah Rollo sa lahat ng hamon ng buhay at lalo na sa gitna ng nararanasang krisis ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.


Sa interview ng Laughter is the best magazine show (LBMS), sinabi nina Alisah at Shaniah na hiling talaga nila na matapos na itong pandemya upang makabalik na sa normal.

Ayon kay Alisah, maraming tao o bagay na nagbibigay sa kaniya ng lakas ng loob upang makamit ang mga pangarap at malutusan ang mga problemang nararanasan.

Para naman kay Shaniah, palagi siyang nagdadasal at naging inspirasyon din niya ang kaniyang kahilingan na makasama ang mga kapatid niya.

Anila, gumawa tayo ng mga bagay na makakatulong sa sarili upang maiwasan natin ang mga nararanasang anxiety at depression dulot ng nasabing pandemya.



Facebook Comments