ALITAN | Magkapatid na Sen. JV Ejercito at dating Sen. Jinggoy Estrada, nais pagbatiin

180

Manila, Philippines – Gustong pagbatiin ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang magkapatid na sina Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada.

Ayon kay Mayor Duterte – umiikot sila sa bansa para humanap ng mga kaalyado na tutulong na ikampanya ang mga senatoriable ng kanyang binuong Partidong Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Una nang sinabi ni Ejercito na hindi maganda tingnan na sabay silang tatakbo ng kanyang kapatid.

Kamakailan, iniwan ni Ejercito ang partido ng kanilang ama na si Manila Mayor Joseph Estrada na partido ng Masang Pilipino at lumipat sa Nationalist People’s Coalition.

Facebook Comments