Alitan sa lupa nauwi sa pamamaril, magsasaka patay ng paulanan ng bala sa alcala

18

Patay ang isang magsasaka matapos paulanan ng bala ng kapwa nito magsasaka sa bayan ng Alcala.
Kinilala ang nasawi na si Lester Castañeda, isang magsasaka at ang suspek na Dominator Acosta na parehong residente ng Brgy. San Pedro Apartado ng nabanggit na bayan.
Ayon sa pulisya ay patungo ang biktima sa kanyang sakahan ng bigla na lamang siyang harangin ng suspek na si Acosta na armado ng baril.
Nagkasagutan pa umano ang dalawa at nag init ang ulo na nauwi sa pamamaril.
Nagtamo ng tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Castañeda na dahilan ng kanyang agarang pagkakamatay.
Tumakbo agad palayo ang suspek. Narekober sa pinangyarihan ng insedente ang anim na basyo ng caliber 9 mm na baril.
Agad nagsagawa ng manhunt ang otoridad at agad nahuli ang suspek na si Acosta na umamin din sa ginawang krimen. Matagal ng alitan sa lupang sinasaka ang titignang motibo sa pamamaril.
*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments

From Advertisers