ALKALDE NG DAGUPAN MAY BABALA NGAYONG NASA ILALIM NA NG GCQ ANG LUNGSOD

454

DAGUPAN CITY – Pinag-iingat ngayon ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang mga dagupeño makaraang isailalim na ang siyudad sa General Community Quarantine (GCQ). Sa kaniyang twitter post inihayg nito na malaki ang tiyansang mas mabilis ang pag-kalat ng COVID-19 ngayon nasa GCQ na lamang tayo at mag-papakampante ang lahat.

Kasabay di ng GCQ nagbukas na rin ang ilang mga establisyemento sa central business at inasahan na ang dagsa ng mga tao. Paalala pa ni Lim na mahalaga ang pag-sunod sa physical distancing, pag-suot ng face mask, pag-sunod sa rules and regulations ng lungsod, at pagpapanatili ng personal hygiene sa ganitong panahon.


Kung sakaling marami ang mag-papasaway dahilan upang muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa siyudad, ay maaring irekumenda ang pag-papanumbalik ng lungsod sa ECQ o EECQ.

Facebook Comments