Alkalde ng Sto. Niño, South Cotabato patay sa pamamaril

76

Napatay matapos pagbabarilin nang hindi pa nakikilang mga suspek ang alkalde ng Sto. Niño, South Cotabato.

Sa ulat ng Police Regional Office 12 (PRO) alas-7:55 ng umaga kanina nang pagbabarilin ang biktima si Pablo Matinong Jr., alkalde ng Sto. Niño, South Cotabato sa may Purok Libertad, Brgy. Poblacion, Sto. Niño, South Cotabato.


Sa inisyal na ulat, binibisita ng biktima ang kanyang infrastructure project sa lugar nang pagbabarilin ng mga suspek.

Naisugod pa ito sa Doctor Luntao Clinic and Hospital pero idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) sa krimen para matukoy ang mga salarin at motibo sa pamamaslang.

Facebook Comments