
Pangunahing pinag-usapan sa pagpupulong ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan at kinatawan ng LGUs ang enhanced clearing operations at long-term solutions sa problema ng mga pagbaha at basura sa bansa.
Pinangunahan ito ni Executive Secretary Ralph Recto, kung saan nanawagan din siya na makiisa ang sambayanang Pilipino sa pagsisikap ng gobyerno at baguhin ang kultura sa pagtatapon ng basura.
Sa ilalim ng Oplan Kontra Baha ng Department of Public Works and Highways, katuwang ang MMDA at LGUs, all-out aniya ang pagkilos ng pamahalaan sa clearing, declogging at desilting operations.
Dagdag pa rito, pinag-aaralan din ang paglalaan ng bahagi ng National Tax Allotment ng LGUs para sa solid waste management projects.
Kaalinsabay nito, bibigyang pagkilala ang mga hihirangin sa Cleanest Barangay Program upang kilalanin at bigyan ng incentives ang mga barangay na may responsableng waste management.
Ani Recto, “first line of defense” ang pamayanan laban sa problema ng baha at basura kaya’t importante rin na makipagtulungan ang LGUs sa national government.










