Alley-oop dunk ni Deandre Ayton, naging susi sa panalo ng Phoenix kontra Clippers sa game 2 ng Western Finals

Nagsilbing game winner ang alley-oop shot ni Phoenix Suns center Deandre Ayton para kunin ang game 2 sa nagpapatuloy na Western Conference Finals.

Tinalo ng Suns ang Clippers sa score na 104 – 103 sa kabila ng hindi paglalaro ng kanilang all star guard na si Chris Paul.

Nakapagtala si Cameron Payne para sa Suns ng 29 points at nag ambag din si Devin Booker ng 20 points.


Samantala, hindi naman naging sapat ang 26 points, tig-6 na rebounds at assists ni Paul George para itabla ang serye ngayong hindi pa rin nakapaglaro ang kaniyang kapwa all star na si Kawhi Leonard.

Facebook Comments