Allowance ng mga kasalukuyang Undergraduate at Graduate Scholars, naipalabas na noong buwan ng Hunyo ngayong taon

69

Inihayag ng Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI) na naibigay na ng ahensiya ang stipends o allowance ng mga kasalukuyang Undergraduate at Graduate Scholars ng buo sa kalahatiang taon ngayong 2020.

Ayon sa DOST-SEI, tinatrabaho na rin nila ang agarang pagpapalabas ng stipends para sa mga Scholars sa mga susunod na buwan kung saan gumagawa rin sila ng paraan upang lalong mapabuti ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pakikipagdayalogo sa National Science Consortium, Scholars, at Stakeholders.

Paliwanag ng DOST-SEI na nananatiling committed sila sa kanilang gawain tungo sa COVID-free Society, kasama ang Science ng buong paglilingkod sa Sambayanang Filipino.


Tiniyak din ng DOST-SEI sa publiko at lahat ng mga stakeholders na magpatutuloy ang kanilang commitment upang mapanatiling ligtas ang kapakanan ng lahat ng mga scholars ngayon nararanasang pandemya.

Facebook Comments