Alvarez kay Sereno: Humarap sa House of Representatives o magbitiw sa pwesto kung totoong inosente

154

Manila, Philippines – Pinayuhan ni Speaker Pantaleon Alvarez si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na harapin ang House of Representatives kung siya ay tunay na inosente o magbitiw na sa pwesto.

Ayon kay Alvarez, hindi biro kung may tinatago si Sereno dahil tiyak na magiging alanganin lamang ang kanyang kalagayan at tila ilalabas rin ang buo niyang bituka.

Mas makabubuti aniya kung mismong si Sereno at hindi ang kanyang mga abogado ang haharap sa pagdinig para personal niyang masagot ang lahat ng alegasyong ibinabato laban sa kanya.

Giit pa ni Alvarez, di hamak na mas mabigat ang kinakaharap na reklamo ni Sereno kaysa kay Commission on Elections Chair Andres Bautista na nauna nang pinatalsik ng house.

Facebook Comments