Alyansa ng lakas-CMD at Hugpong ng Pagbabago, mas palalakasin para sa 2022 election

Mas palalakasin pa ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) ang kanilang alliance para sa nalalapit na 2022 national election.

Ito ang tugon ni House Majority Leader Martin Romualdez matapos matanong ang nangyari sa kanyang naging pagbisita sa kaarawan kamakailan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Romualdez, Presidente ng Lakas-CMD, bago pa man ang 2019 election ay mayroong partnership na ang partido sa HNP ni Mayor Duterte.


Ngayon ay balak i-renew ang alliance ng dalawang partido na gagawin at isasapormal naman sa lalong madaling panahon.

Umaasa si Romualdez na mas lalo pang tatatag ang alyansa at relasyon ng dalawang partido lalo na sa nalalapit na May 2022 Presidential Election.

Matatandaang si Romualdez ay inendorsong susuportahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tumakbo itong bise presidente sa susunod na halalan.

Facebook Comments