Alyas Bikoy, guilty sa kasong perjury sa Metropolitan Trial Court

Hinatulan ng Manila Court si Peter Joemel Advincula na mas kilala sa alyas na “Bikoy” ng guilty sa perjury.

Dahil dito, hinatulan ng Metropolitan Trial Court Branch 17 si Advincula ng hanggang isang taon at isang araw na pagkakakulong.

Nabatid na may kaugnayan ang kaso sa maling akusasyon ni Advincula laban sa tatlong abogado ng FLAG o Free Legal Assistance Group.


Partikular ito sa inilabas na video na “Ang Totoong Narco-list”.

Sa nasabing video, itinuro o idinawit mi Bikoy ang tatlo hinggil sa kalalakaran ng iligal na droga sa bansa.

Inilabas ang desisyon nitong May 22, 2023 kung saan binigyan ng pagkakataon ang kampo ni Bikoy na umapela o maghain ng mosyon hinggil dito.

Facebook Comments