Alyas Bikoy, umalis ng PNP headquarters na walang iniwang sinumpaang salaysay at ebidensya

Umalis ng headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Krame si Peter Joemel Advincula o alyas “Bikoy” ng “Ang Totoong Narcolist” videos na walang iniwang sinumpaang salaysay o ebidensya na magagamit sana para patunayan ang kanyang alegasyon laban sa oposisyon na may planong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Advincula ay nakalabas ng Krame nitong Sabado matapos makapagpiyansa dahil sa kinakaharap na estafa charges.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Bernard Banac – hindi nakapagpasa ng sworn statement at iba pang ebidensa si Advincula dahil sa wala pa siyang abogado.


Nangako naman aniya si Advincula na babalik para ipasa ang kanyang ebidensya kapag nakahanap na siya ng legal counsel.

Matatandaang itinuturo ni Advincula sina Vice President Leni Robredo, Senador Antonio Trillanes IV at Liberal Party sa planong destabilisasyon laban sa Pangulo.

Facebook Comments