Ama arestado dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang sariling anak

55

General Santos City—Arestado ang isang ama matapos nitong paulit-ulit na ginahasa ang 16 years old na anak nito sa bayan ng Maasim, Sarangani Povince.

Ang suspek ay itatago lang sa pangalang Alias Antonio, legal age, residenti ng Barangay Malbang, Maasim, Sarangani Province.

Sinabi ni Police Chief Inspector Romeo Calamba, Chief Of Police ng Maasim PNP, dumulog sa kanilang tanggapan ang asawa ng suspek na itago lang sa Pangalang Leny matapos nagsumbong sa kanya ang kanyang 16 years old na anak na umanoy ginahasa ng paulit-ulit ng suspek.

Napag-alaman na 13 anyos palang ang biktima nang syay unang gahasain ng suspek. nasundan pa ito ng ilang beses at ang pinakahuli ay nangyari noong araw ng Sabado.

Napag-alaman na kinuha ng suspek ang biktima sa bahay ng boyfriend nito at dinala sa kanilang bahay, doon na nangyari ang panggagahasa. Dahil hindi na matiis pa ng biktima ang ginagawa ng kanyang sariling ama sa kanya, naglakas loob itong isumbong sa kanyang ina at sa kanyang boyfriend.

Agad namang nagsumbong ang ina ng minor de edad sa PNP para ipaaresto ang suspek.

Facebook Comments