Ama at apat na taong gulang na anak nito, patay sa pamamaril ng riding-in-tandem

Sta. Ana, Cagayan – Patay ang isang ama at ang apat na taong gulang na anak nito sa pamamaril ng riding-in-tandem sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa kwento ng misis nito na si Aurella, pauwi ito nang mapansin ang dalawang lalaking nakatakip ang mukha at naka-jacket sa harap ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang segundo, nakarinig na siya ng putok ng baril at nakitang mabilis na tumakas ang dalawang lalaki gamit ang isang motorsiklo.


Agad naman itong pumasok sa kanilang bahay at natagpuan ang kanyang mag-ama na duguan at wala nang buhay.

Nagtamo ng tama ng baril sa kanyang dibdib ang 42-anyos na amang si Leody Semana Sr., at sa ulo naman ang batang anak nitong si Lor Jean.

Patuloy pa ang imbestigasyon kaugnay sa motibo sa krimen.

Facebook Comments