Ama ng Missing na 13 Anyos na Dalagita sa Cauayan City, Isabela, Nananawagan Pa rin!

211

*Cauayan City, Isabela- *Nananawagan pa rin sa ngayon ang ama ng 13 anyos na dalagitang nawawala na umano’y nasa poder na ng mga madre sa Maynila.

Ayon kay ginoong Salvador Ramos na ama ng missing na si Angelica Juan Ramos, residente ng brgy San Francisco, Cauayan City, Isabela na bagamat nagsabi ang anak na ito ay nasa maayos na kalagayan sa poder ng mga madre ay hindi pa rin umano ito mapanatag hanggat hindi pa nakikita ang anak.

Nais lamang aniya na malaman kung saang partikular nanunuluyan ang kanyang anak upang hindi na ito mag-alala at mapanatag na ang kanyang kalooban.

Kaugnay nito ay tumanggi naman si ginoong Ramos sa mga akusasyon na sinasaktan at inaabuso umano nito ang kanyang dalagitang anak.

Samantala, habang kinakapanayam ng RMN Cauayan si ginoong Ramos sa programang Straight to the Point ay nakatanggap ito ng impormasyon na nakita umano ang kanyang anak sa isang gusali dito sa Lungsod ng Cauayan subalit nakumpirma rin na kahawig lamang ng kanyang nawawalang anak.

Matatandaan na nagtungo mismo sa himpilan ng RMN Cauayan si ginoong Salvador upang ipanawagan ang kanyang anak na ito’y nawawala simula pa noong Nov. 14, 2018.

Facebook Comments