Ama, patay matapos bugbugin ng sariling anak sa Ilocos Sur

45

Ilocos Sur – Isang ama ang napatay ng sariling anak matapos gulpihin sa barangay Purag, Sinait, Ilocos Sur.

Ang biktima ay nakilalang si Elpidio Yadao, 85 yo at ang suspek ay si Nestor Yadao, 50 anyos, at isang security guard.

Ayon sa Sinait PNP, ang ama ay nasa terrace ng kanilang bahay nang dumating ang anak na lango sa alak.

Dito na isinagawa ng suspek ang panggugulpi sa ama.

Naitakbo pa sa ospital ang biktima pero ito ay dead on arrival.

Nakakuha ang mga pulis ng tatlong malalaking bato na pinaniniwalaang nagamit sa krimen.

Sa kasalukuyan ay nakakulong na ang anak na suspek.
DZXL558

Facebook Comments