Ama patay matapos hampasin ng tubo ng anak sa Caloocan

85

Caloocan City – Patay ang isang ama matapos hampasin ng tubo ng kaniyang anak sa Camarin, Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Lito Magbanua, 54-anyos, na dating barangay tanod.


Nahuli naman ng mga awtoridad ang suspek na si Rhenzie, 27-anyos na umano ay lulong sa droga nang gawin ang krimen.

Kuwento ni Rona, anak ng biktima at kapatid ng suspek, lasing na umuwi si Rhenzie.

Pagpasok sa bahay, itinulak ni Rhenzie ang pinto saka tinadyakan ang amang si Lito na dating nang na-stroke.

Dito na aniya binugbog ni Rhenzie ang ama at hinampas gamit ang tubo mula sa estante.

Sinaktan din ni Rhenzie ang kaniyang mga kapatid at natulog pagkatapos ng insidente.

Isinugod pa sa ospital si Lito pero idineklarang dead on arrival.

Nabatid na si Rhenzie rin ang nakapatay sa kanilang nanay noong Nobyembre 2017 kung saan pinalo naman niya ito ng takip ng kaldero.

Nakakulong ngayon sa North Caloocan Police Station ang suspek na kinasuhan na ng parricide.

Facebook Comments

From Advertisers