Amain na Nanggahasa ng kanyang StepDaughther, Timbog

19

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang amain na Top 1 Most Wanted Person sa Balligui, Maddela, Quirino.

Nakilala ang suspek na si Martin Baday, 35-anyos, at residente sa naturang lugar.


Dinakip ang suspek dahil umano sa pangmomolestiya nito sa 17-anyos na stepdaugther.

Inaresto ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Unit 2 (RIU2), Maddela Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit, Quirino Police Provincial Office matapos ipag-utos ni hukom Ester Piscoso Flor, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 38 sa Maddela, Quirino na may petsang February 19, 2021 para sa kasong RA 8353 o Anti-Rape Law of 1997.

Maliban dito, kinakaharap din nitong kaso ang Acts of Lasciouviousness at may inirekomendang piyansa na P140,000.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Maddela Police Station ang suspek bago ipasakamay sa court of origin.



Facebook Comments