Amal Clooney, kayang tapatan ni Panelo – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kayang tapatan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang international human rights lawyer na si Amal Clooney.

Nabatid na si Clooney ay kabilang sa legal team ni Rappler CEO Maria Ressa.

Ayon sa Pangulo – si Panelo ay “good match” kay Clooney.


Unang sinabi ni Panelo na maaaring nalinlang lamang si Clooney tungkol sa legal issues na kinakaharap ni Ressa.

Si Ressa at kanyang kumpanya ay nahaharap sa mga hiwa-hiwalay na kaso tulad ng tax evasion, cyberlibel, paglabag sa anti-dummy law at alegasyon ng illegal foreign ownership.

Facebook Comments