Ambassador Alonto, natanggap na ang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine sa Riyadh

56

Inanunsyo ni Philippine Ambassador to Saudi Arabia Adnan Alonto na natanggap na niya ang ikalawang dose ng COVID-19 vaccine sa Riyadh.

Ang 62-anyos na envoy at kanyang asawa ay unang naturukan ng Pfizer-BioNtech vaccine noong December 29, 2020, ilang araw matapos inanunsyo ng Saudi Government ang three-phased vaccination program.


Ayon kay Alonto, mabilis na siyang kapitan ng sakit sa kanyang edad at ang kanyang asawa ay tinamaan na ng COVID noong Setyembre.

Kabilang sa kanilang priority list sa first stage ay ang mga may edad 65 years old at mayroong karamdaman at mga nasa high risk ang infection.

Ang ikalawang stage ay mga mababakunahan 50-years old pataas.

Ang mga natitirang age group ay sa ikatlong stage.




Ang Saudi Arabia ay mayroong higit 24 million population.

Facebook Comments