
Nakatakdang magpresenta ng kanilang credentials ang dalawang Resident Ambassadors – Designate to the Philippines kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Unang makikipagkita kay Pangulong Marcos ang bagong Ambassador ng Egypt to the Philippines na si Ambassador Nabil Zaki.
Bukod sa pagiging ambassador, si Zaki ay naging tagapagsalita ng National Progressive Unionist Party sa Egypt.
Susunod namang haharap sa Pangulo ang Resident Ambassador ng Sweden na si Anna Ferry.
Si Ferry ay nagsilbi bilang Deputy Director sa Ministry for Foreign Affairs ng Sweden.
Facebook Comments