Ambassador ng United Kingdom, personal na nakipagkita kay DFA Sec. Locsin

Matapos ang apat na taong paglilingkod ay nagpaalam na si United Kingdom Ambassador to the Philippines Daniel Pruce kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

Personal na nagpaalam si Pruce kay Locsin nang sadyain nito ang tanggapan ng kalihim upang magpasalamat sa maayos na ugnayan ng dalawang bansa.

Si Pruce ay nagsilbi bilang ambassador ng United Kingdom sa Pilipinas mula pa noong 2017 at nakatakdang matapos sa susunod na buwan.


Pinasalamatan naman ni Locsin si Pruce dahil sa dedikasyon nito sa serbisyo at pagpapalakas ng bilateral relations ng Pilipinas at United Kingdom.

Samantala, ipinaalam ni Pruce kay Locsin ang donasyong bakuna ng United Kingdom sa Pilipinas na 415,000 doses ng bakuna ng AstraZeneca na nakatakdang dumating sa bansa ngayong hapon.

Facebook Comments